Kaizer Pinoy Hiphop Superstar

0
327

Biography

Real name: Daniel Escultura Sinco
Genre: Hip-Hop/Rap
A.k.a: Kaizer

Nag simula ako yr. 2010-2011 sa Tulong ng aking mga kasama sa lugar ng MUNTINLUPA at dahil na din sa lakas ng impluwensya ng mga Rap Group samin Gaya ng Tunog ng muntinlupa at muntinlupa’s finest! Sobrang lakas ng Hip-Hop sa lugar namin noon pa man at magpa hanggang sa ngayon, Labis akong natutuwa dahil yung mga pinapakinggan ko lang noon ay mga nakasama ko na sa kanta ngayon at yung iba ay kaibigan ko na dahil para sakin Kailangan marunong kang makisama at makipag konekta.

Mas nahasa ako sa pag susulat ng kanta dahil sa Grupong sinamahan ko (Primyado Sindikato) Sa sobrang pagmamahal namin sa ginagawa naglalakad kami ng ilang kilometro para lang makatipid ng pera at ma i-record ang nagawang kanta dahil ang hirap pang humanap ng Studio sa lugar namin noon, may mga iilan na ding nag pahinga dahil may kanya kanya na kaming pamilya, ngunit pinagpatuloy ko ang hilig ko kahit na napunta ako ng MIDDLE east para mag trabaho, wala pa gaanong bumibilib dahil hindi naman ganon kaganda pa ang nagagawa ko at hindi pa gaano kapupulutan, pero Sa estado ko ngayon kahit papano ay nagbunga na at alam kong may IBUBUNGA at may ILALAGO pa dahil sa mga taong naka suporta.

Pinakang BIGGEST Achievement ko ay yung nakagawa ng VOLUME UP (EP) at yung maimbitahan ako ng isang Reporter ng ABS-CBN dito sa saudi arabia at Mapasama sa main event ng First Concert ni PIOLO PASCUAL dito sa JEDDAH.

Rap style x Genre:

Affiliations x Rap group x Label: Primyado Sindikato

Socials

Facebook: https://www.facebook.com/daniel.k.sinco
Facebook page:
Youtube: https://www.facebook.com/daniel.k.sinco
Instagram: daniel.k.sinco

Music

Check out other Pinoy hip-hop artist’s signature PHS Card on this link: https://pinoyhiphopsuperstar.com/category/blog/phs-cards/