Home PHS Reviews J-Kid Tamali EP Review

J-Kid Tamali EP Review

-

J-Kid Tamali EP Review

J-Kid, one of the gems in the Moro Beats Camp and Pinoy Hip-hop Underground. Let’s dive into the mind of a J Kid, that we believe harnessing a great deal of talent yet under-rated.

Atat featuring Mista

1st track

 

Isang malakas na panimulang track kay J-Kid featuring Mista.

Di ganun ka dali marating ang pag asenso
Kailangan mo parin na dumaan sa proseso
Ang dapat mong gawin ay makinig sa aking berso

This is a very straight forward and hard-hitting track with topics for the common rise-to-fame mentality that Pinoy rappers tend to misunderstand. Sabi nga, “Kelangan mo dumaan sa proseso”.

Akala ng iba madaling sumulat
Hindi to madali pero maling sukuan
Maraming magaling, magaling sa una
Dapat bago mo gawin, mahalin mo muna

Hindi ‘to biglang sikat platform or sasabay ka nalang sa mistakenly trend ng Pinoy Hip-hop now with all the easy access to social media, beats, and shit. Lahat makakalapag ng kanilang obra.

Di baleng pagong ka sa kakupadan
Kesa malulong ka sa kakupalan
Sa dami ng letrang sinulat mo sa iyong kwaderno
Bat parang wala siyang laman – Mista

Nadale ng verse ni Mista. Sa sobrang fast pace and modern nowadays, sadly the quality of emerging rap songs and tracks are very low but J-Kid, Morobeats, and the rest of the army are here to change that.

Nagwawala featuring Melchrist, Anton

2nd track

 

Napaka rich sa content, delivery, and message netong track na ito and kada lines nila J-Kid dito is heartfelt and definitely so much relatable ndi lang sa mundo ng Pinoy Hip-hop but the entirety of life, as well.

Pababa kung tumingin mataas daw kase ang pinag-aralan
Kaya ganun na lamang kung umasta ay parang
Lahat ng bagay sa mundo ay kanyang nalalaman
At lahat ng hinahawakan ay pwede niyang bayaran

Pulubi sa respeto, sa pera lang mayaman…

Pero tandaan mo ‘to na umiikot ang mundo
Baka magulat ka kami naman nasa taas mo

One of my favorite tracks and this reminds me of Lhipkram’s Don Joaquin. Dating inalipusta siya sa story ng track then tables where turned and he’s the one on top now.

via GIPHY

Tamali

3rd track

 

Ung mga wordplay sa kantang to nakakabaliw, lines like…

Mali ba na ginagawa mong tama ang mali? Makukulong yung tama dahil may pera yung mali

Without even describing the content, sa linya palang mapapa agree kana and yet sa isang linya parang andami ng nasabi. – PHS

Mali kapag alam mo ng mali ay pinipilit mo parin na gawing tama ang mali, MALI

No wonder this is the self-titled track of the album, ung pinaka pambato sa EP and daym, it is! Wordplay, the message is very clever. Something a common rapper wouldn’t know or has the capability to reproduce this kind of ill-track!

Wasak

4th track

 

Giba, sira, WASAK!

Walang akong pake may makarinig man o wala
Mainit ulo ko kaya kame ay nagwawala!

Pangkalahatang DISS track ito sa namumuong trend ng Pinoy Hip-hop. Direkta pa tinamaan ang EX B and umaasa sa catchy beats and shit.

Agad itumba kapag ikaw na ay ang nakita
Patahimikin bago pa makagawa ng ingay
Para sa hule matitira lang ang matibay

Bakod namin solido, bungo na sinimento
Kawal namin mala oso

Di naman ako tutol sa gusto nilang isulong ang kultura
Kaso kelangan na magputol lalo kung di namumunga
Kami ang masamang damo nasa inyong bakuran
Itong laro di mabubuo pag kami ay kulang

Mga baon mo na letra, tira galing sa piesta
Tirador ka ng mga lumang pyesang natenga

Paulit ulit, nakaka bwisit, ung flow pinilit
Ikaw hilaw kung di ka dumaan sa init

Patahimikin ang bulong-bulungan
Tama na kwento
Kung tugma lang ang pumapatay, sa morge ka diretso
Puro yabang na hindi naman maisambay sa tempo
Ako’y classic parang Contra, nakasalang sa Nintendo

Puro kasi kabaklan lagi namin naririneg
Eh hip-hop ‘to di ba kayo nag iisip
Ng magandang tema para sa kasalukuyan
Mag retiro nalang kung nag uungoy-ungoyan

Ang noon sa ngayon ay di magka pares
Ibang iba ang agwat na parang Zambales

You have to listen to Akt, Exclusiv, Kintab Talas, Prophecee, Righteous One, and Tres Diablos to get that old-school-feel-classic-banger-diss-track on how you demolish them wack tracks and rappers. Eto din dapat sana ung diss track na mas marinig pa ng marami. I am getting some Gulpe De Gulat / Shotfired Cartel vibe in this track, napaka bully nila pakinggan talaga (serves them right, para sa mga dapat patamaan) and kontrabidang kontrabida ala Pricetagg sa dapat angasan sa rap game na ito. No wonder the title is WASAK! Mala GIGIBAIN NAMIN ‘TO ng BB-Clan!

Kamustahan

5th track

 

Kasama mo ng matagal nagawa mong kagatin
Ganun ang ahas pag gutom kahit sino tutuklawin

Sa mga nagtiya-tiyaga upang ako’y pabagsakin
Bilib ako kahit papano sinubukan niyo parin

Hatakan pababa, alipustahan, lamangan, traydor, oportunista, at pagkalulong these are some of the elements that plagued J-Kid’s journey and if you are wondering how J-Kid is probably doing in spite of everything sasagutin yan ng Kamustahan track.

Sumaya, guminhawa tapos biglang may kirot
Yung puso ko nakaramdam ulit ng lungkot at poot

Pero di pa natatapos ang lakbay ni J-Kid, tinatama parin ang kanyang maling nakaraan. Wala man diploma pero bitbit naman ay diskarte.

Bakit

6th track

 

Kung totoo ka nga bakit mo kami ginawa

Bangis ng track, isa na rin ito sa paborito ko sa Tamali EP. I love the way J-Kid question the creator above on how or why we are created in the first place tapos may mga ganitong consequences when living…

Minsan yung may pusong ginto sila pa ung nauuna
Kadalasan ay mga demonyo ang natitira

These are common sicknesses and mentality everyone has…

Problema kahirapan at kumakalam na tiyan
Paulit ulit na rason ang tawag jan katamaran

Parang siyang sequel sa Nagwawala and Tamali, since both tracks tackle about everyday life, now comes Bakit, like bakit may mga ganitong elemento sa mundong ibabaw and no matter how much good you put in through, ikaw pa ung tagilid o laging napagsasamantalahan. Existing na yung mga ganitong tema sa Pinoy rap, equality and fairness pero J-Kid concocted it in a much more unique angle and style tapos bagay pa ung beat. Makikinig ka talaga sa nais iparating ni J-Kid.

Mapagmahal kuno sa rosaryo kapit tuko
Kung magdasal nakaluhod pikit matang nakayuko

May paiyak iyak pa yan kaya may baon na panyo
Paglabas ng simbahan balik sa dating niyang anyo

Final Thoughts

Tama nga ung una naming bansag kay J-Kid, napakamali or kasalanan na under-rated itong talent ni J-Kid, hindi makatarungan. He spits verses, lines and hooks na napaka bangis talaga at kayang-kaya niya makipagsabayan sa mainstream, I mean kakainin niya ng buhay mga matatapat na rappers sa kanya.

gangST@R
gangST@R
Self-dubbed webmaster without the coding skills. Human to a Rottweiler. Astronaut was his childhood dream job. From Great Taste's Double White, Kopiko Capuccino to streetfood "mami" with sweet cheese corn combo.

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here

REVIEW OVERVIEW

Mainstream quality
Lyrics and content
Track collaborations
Wordplay, verses, lines

Must Read

Agaron Pinoy Hiphop Superstar

0
Biography Agaron is the country's premiere Waray rap group, In their dialect, the word agaron means boss, the tree members have shiend individually as professional...

HP Pinoy Hiphop Superstar

PHS Weekly Top 10 w11

error: Alert: Content is protected !!