How Pinoy Hip-hop survived Covid-19 and the rest of 2020
The whole world experienced the wrath of 2020 at pati ang mundo ng Pinoy Hip-hop ay nadamay sa proseso. Sa kabilaang mga bagyo like Rolly and Ulysses at siyempre ang Covid-19, pero kilala ang Pinoy bilang likas na survivors at hindi basta-basta sumusuko sa ano mang sitwasyon o pandemic.
Obviously, nahinto lahat ng gigs ng mga Pinoy rappers dahil sa social distancing na kailangan sundin para mahinto ang pagkalat ng virus. Sa online or internet and social media nagpatuloy ang mga Pinoy rappers.
24 Bars Challenge
Mark Beats
Isa sa mga notable ay ang 24 Bars Mark Beats Challenge by no other than Mark Beats himself. Lumahok dito ang mga sikat na rappers tulad nila CLR, Pricetagg, Mike Kosa, Geo Ong and Ez Mil.
Nexxfriday
Hindi lang si Mark Beats ang beat maker na nagpaunlak ng ganitong challenge. Sila Zae, Alex Bruce, Quest, Kiyo, and Because ang ilan sa lumahok sa beat na pinakawalan ni Nexxfriday.
Morospit
Nagkaroon din ng isang live segment ang kampo ng Morobeats, ang Morospit streamed live na kung saan pinangunahan ni DJ Medmessiah. Dito nabibigyan stage ang ibang aspiring rappers na ipakita ang kanilang kakayahan sa pag ra- rap.